Jokes

Mga prends, post kau dito ng mga jokes ha.

Wellcome lahat bungisngis ka man o kahit “korni” oks lang, ang mahalaga lahat tayo tatawa.

Responses

  1. TEACHER – 1

    TEACHER: wHat’s yOur name?..

    PUPIL: EarLysEveN sTrikeLand pOh!..

    TEACHER: what!!!!!

    PUPIL: EarLysEveN sTrikeLand pOh!..

    TEACHER: niLolokO moH bA akO?

    PUPiL: hNdi po mA’am,, sa tAgaLog AGAPITO HAMPASLUPA..ininGLes ko lang po kasi eNglish suBject tayo ngayon!

    ..nyAaaaAAyy!!!!!..

  2. Ang unggoy at butiki ay nasa itaas ng puno habang nagmamarijuana. sabi ng butiki sa unggoy “pare baba muna ako, inom lang ng tubig sa ilog” ” dalian mo pare” sabi naman ng unggoy. Habang umiinom ng tubig ang butiki ay bigla itong nadulas at nahulog sa tubig. nakita naman ito ng malaking buwaya at sinagip ang butiki. ” Ano bang pinag gagawa mo? nakadurog ka na naman ano? tanong ng buwaya. ” oo kasama ko yung unggoy sa taas ng puno” ‘ teka nga’t pupuntahan ko” sabi ng buwaya. dahan dahan umakyat ang buwaya sa puno at laking gulat ng unggoy ng makita buwaya at sabi ng unggoy ” dude gaano karami ang naimom mong tubig?

  3. Lumindol ng malakas noon. Nagkagulo ang lahat at nag panic!

    Sigaw ng isang lalaki: “Katapusan na! Katapusan na!”

    Sumagot ang isa rin lalaki: “Tanga! Akinse pa lang ngayon”!

  4. GF – Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko!
    BF – Ha, e wala naman akong ginawang masama ah?
    GF – Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.

  5. misis – Hon, anung ulam natin?
    mister – Andyan sa mesa, pumili ka.
    misis – Hon, sardinas lang ang andito. Anu bang pagpipilian ko?
    mister – Pumili ka kung kakain, o magrereklamo ka! (ngeek!)

  6. TIKBOY – Nang girlfriend ko pa lang ang misis ko ang tawag ko sa kanya ay
    Darna dahil seksi sya. Ngayon ang tawag ko sa kanya ay Dorna.
    AMBO – Bakit Dorna?
    TIKBOY – Kasing lapad na sya ng DOOR NAmin.

  7. BABAE – Baka magbunga ang pagkakasala natin, Padre. Natatakot ako…
    PADRE – Ipaubaya natin ang lahat sa nasa itaas. Di nya tayo pababayaan.
    SAKRISTAN – Hoy, huwag nyo akong idamay dyan at naglilinis lang ako ng kampana
    dito sa itaas!

  8. PARE – Ang galing ng nabili kong hearing aid. Hi tech at ang lakas ng dating!
    KUMPARE – Magkano ang bili mo?
    PARE – Oo, kanina lang

  9. TONIO – Pare, sa wakas nagka-girlfriend na rin ako!
    BASTE – Ha, sa tanda mong yan ngayon ka lang nagka-girlfriend?
    TONIO – Kase ang higpit ng Misis ko. Ngayon lang ako nakalusot!

  10. TINDERA – Hoy, Ramon, peke yung ibinayad mong P100 kahapon. Isusuplong kita sa pulis.
    RAMON – Magsuplong ka! Peke rin naman yung CD na ipinagbili mo sa akin!

  11. LALAKI – Ang pangit ng kasama mo!
    BABAE – Siempre bulldog ang asong kasama ko!
    LALAKI – Yung aso ang kinakausap ko, hindi ikaw!


Leave a response

Your response: